Testimonya ni Mendiola hindi napanumpaan

PINANGANGAMBAHANG mauwi lamang sa pagkabasura ang kasong carjacking with homicide laban sa Dominguez carjacking syndicate na isinampa ng pamilya Lozano sa pagpaslang at pagtangay ng sasakyan  ni Emerson kamakailan makaraang matukasang hindi napanumpaan ng napatay na testigong si Alfred Mendiola ang kanyang testimonya sa naturang kaso.

Nabatid na tanging napanumpaan lamang ni Mendiola ay ang affidavit nito sa kasong carjacking with homicide kay Venson Evangelista.

Una nang ipinahayag ni  Justice Secretary Leila de Lima na hindi makaaapekto sa Evangelista slay case ang brutal na pagkamatay ng testigo dahil sapat na ang dokumentong naiprisinta nila laban sa magkapatid na Roger at Raymond Dominguez.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ni Atty. Oliver Lozano, ama ni Emerson, na may mga bagong development pa rin na lilitaw at hindi tuluyang mauuwi ang usapin sa pagkakabasura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply