Testimonya ni Morales sa dollar account mapanganib

NABABAHALA ang dalawang senador sa pagbubulgar ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa sinasabing 82 dollar account ni Chief Justice Renato Corona na ibinigay ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) nang walang kaukulang court order ay mapanganib na pangyayari na maaaring gamitin ng administrasyon Aquino upang takutin ang  mga kalaban sa pulitika.

Sa magkakahiwalay na panayam, sinabi nina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Senador Ferdinand “Bongbong”” Marcos Jr., na baka gamitin ng Aquino administration ang ganitong pamamaraan kapag nagiging kalaban mo ang Palasyo.

‘’It would be a dangerous precedent because those who are hostile to this (Aquino) administration or any administration for that matter…the Ombudsman can just ask the AMLC about bank accounts of personalities (and publicize them),’’ayon kay Estrada nitong Martes.

Para naman kay Marcos, nakikita niya ang imbestigasyon ng AMLC sa bank account ni Corona na isang paglabag sa Foreign Currency Deposit Law na nangangailangan nang pormal na pag-sang-ayon sa depositor bago buksan ang kanyang secret bank account.

‘’They did it. The law here was violated. Why did they investigate it when there is a no predicate crime as required by law? That is a requisite. The release of information (on bank accounts) requires a court order,’’ aniya.

‘’Is this a new doctrine? A new system that on the basis of a complaint that the Ombudsman can already gain the information from the AMLC and can publicize that information?’’dagdag niya.

‘’The Ombudsman is not a judge. She is a prosecutor. She is a glorified fiscal for the government. They got around the AMLC, they got around the foreign currency deposit law,’’ sabi ni Marcos.

Nitong Lunes na ipinagpatuloy nitong Martes, tumestigo si Morales base sa reklamo ng 10 katao sa sinasabing $10 milyong dollar account, humingi siya ng tulong sa AMLC upang tignan ang FDC account ni Corona.

Hiningi din ni Morales ang tulong ng Commission on Audit (CoA) upang maintindihan niya ang dollar account ni Corona kung paano nagkaroon ng $12M deposito ang punong mahistrado sa siyam na bangko mula 2003 hanggang 2011.

‘’There is supposed to be bank secrecy on FCD. It is supposed to be absolute but somehow that has been pierced,’’ giit pa Marcos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply