The actress most people love to hate!

POSIBLE kayang magkatotoo ang agam-agam ng marami na makasisira kesa makatutulong kay Tito Sotto ang pagiging maldita ng asawang si Helen Gamboa. You see, well-loved si Tito Sotto ng mga botante at patunay nito ay yung pagi-ging number one niya kapag tumatakbo siya.

Pero naging kotnrobida na nga si Helen na nagkataong sunud-sunod na. May nag-aalinlangan na baka nga makasira ito sa political career ni Tito Sotto.

Pero siyempre, mismong ang mag-asawang Helen at Tito ay kontra sa paniniwalang ito. At kabilang na rin yung iba nilang supporters. Sa mismong kuwento ni Helen Gamboa, ipinaliwang niyang marami naman ang nagkakagusto sa kanyang pagiging maldita at kontrabida.

“Awang-awa na raw siya (Tito) kay Susan Roces sa mga pinaggagagawa ko,” kuwento ni Helen.

Siya na raw ang most hated actress sa mga teleserye ngayon.

Buti na lang at inabsuwelto siya ni Coco Martin sa pag-amin nito na number one fan na siya ngayon ng dating hindi makabasag-pinggang sing and dance superstar.

“Hindi ko alam ‘yang kay Coco, pero, kung totoo, eh, ‘di nakaka-flatter talaga. I’ll tell Tito Sen about it. Para lalong maging proud siya sa akin,” tawa nang tawa niyang sabi. By then kinakalumpunan na siya ng iba pang guests na nagsabing maraming actress ang mag-aambisyong magkaroon ng role na katulad nang kanya. Pang best actress na raw kasi ang kalidad ng kanyang acting (calling PMPC, Empress, etc.), kaya lalong tumaba ang kanyang puso.

“I beg your pardon lang, hindi po ako most hated. Pag nasa mall ako you will be surprised dahil nagpapa-picture pa sa akin ang mga fans. They love to hate me raw. Hindi daw ako tumitili. Poised na poised pa rin. At ang mga isinusuot kong damit, gustung-gusto nila.

“Pinaghahandaan ko naman kasi. ‘Pag pumupunta ako sa States, bumibili talaga ako ng mga damit, lalo na kung mayamang-mayaman ang role ko. At hindi ako umuulit ng damit. Minsan ko lang isuot at balik-maleta na iyon. Ganu’n ako ka-serious as an actress. Lahat ng detalye, pinaghahandaan ko.

“At first kasi, ayaw kong gawin ‘yung mga kamalditahang iyon kay Madam Susan dahil nakatatandang kapatid ko siya at siya pa ang tumulong para makapag-aral ako at magkaroon ng magandang buhay, pero inagaw ko pa rin sa kanya si Eddie Gutierrez.

“Lalo na noong sasampalin ko si Madam Susan, nakipag-away talaga ako kay Direk Jerry (Sineneng) at Trina Dayrit. Naririnig iyon ni Coco, kasi nauna ko na siyang inaapi-api. Kaya lang, nanindigan si Direk Jerry at kinausap din ako ni Sir Deo (Edrinal). Siyempre, nanalo sila. At nagpalakpakan ang buong staff. Tawa tuloy nang tawa si Coco the next time magka-eksena kami. Minamani-mani ko raw ang mga ayaw kong gawin noon.

“Madalas pa rin kaming mag-away ni Direk Jerry, but I have come to love him. Napalalabas niya kasi ang hindi ko alam na kaya kong gawin.”

Lalong mae-excite si Madam Helen kapag nalaman niyang mae-extend uli ang Walang Hanggan dahil sa clamor ng mga televiewers. January raw kasi sila nag-umpisang iere, at August naman magtatapos. Pero, October na naman daw. Ibig sabihin, breaking the records talaga ang teleseryeng pinagbibidahan din ni Richard Gomez, Dawn Zulueta, Julia Montes at Coco Martin.

***

Dahil sa nakaririmarim na kababuyang ginawa kay Ara...
Cristine tae na lang sa paningin ng publiko!

DRAMA lang kaya o sadyang na-realize ni Cristine Reyes na mali ang ginawa niya sa kanyang Ate Ara Mina?

May isyu kasing ayaw tanggapin ni Ara ang imbitasyon ni Cristine na mag-usap na sila sa problemang kinahaharap nila. Meaning, para kay Ara ay walang kapatawaran ang masamang ginawa sa kanya ni Cristine Reyes.

Ayaw na niyang magparunggit sa mga tweets niya. Pati run sa isyung hiwalay na sila ni Rayver Cruz, nagpreno na raw si Cristine.

Ewan naman kung makalilimutan nga agad ang ginawa ni Cristine pero may ilang tao kaming nakausap na sa ngayon, etchas o tae na lang ang tingin nila sa batang aktres at kahit kailan, ‘di na mabubura ang mga kababuyang ginawa niya kay Ara Mina.

True kaya yun?

Tingnan natin!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply