The Queen of Disco Donna Summer pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na ang binansagang “The Queen of Disco” at Grammy award-winning singer na si Donna Summer o LaDonna Adrian Gaines sa totoong buhay.

Batay sa ulat, namatay si Summer, 63, sa kanyang tahanan sa Key West, Florida dahil sa sakit na breast at lung cancer.

“Early this morning, we lost Donna Summer Sudano, a woman of many gifts, the greatest being her faith,” bahagi ng statement ng pamilya ng singer. “While we grieve her passing, we are at peace celebrating her extraordinary life and her continued legacy. Words truly can’t express how much we appreciate your prayers and love for our family at this sensitive time.”

Ilan sa mga kantang pinasikat ni Summer ay ang “Last Dance,” “She Works Hard for the Money” at “Bad Girls.”

Nagkaroon din sila ng duet ni Barbra Streisand na “No More Tears (Enough Is Enough).”

Samantala, nagbigay ng tribute para kay Summer ang American Idol.

Ikinalungkot din ng ilang personalidad kabilang si President Barrack Obama ang pagyao ni Summer.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply