Tinalo sa pataasan ng ihi, pumatay ng kaibigan

MAKARAANG talunin sa pataasan ng ihi kaya nagawang pumatay ng kaibigan ng isang caretaker sa Cagayan de Oro sa ulat ng pulisya.

Sa imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Richard Micabalo, ng Purok-2A, habang ang suspek ay si Roel Agapay.

Lumalabas na matapos mag-inuman ay nagpustahan ang dalawa kung sino sa kanila ang may mataas na ihi.

Nang matalo ang suspek ay nagngitngit ito sa galit dahilan para kumuha ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima.

Matapos mapatay ay tinalian ni Micabalo ang mga kamay at paa ng biktima saka itinapon ang bangkay nito sa isang balon sa Sta. Cecilia Subd., Brgy Gusa, nasabing lalawigan.

Sa presinto, inamin ng salarin na bukod sa naasar siya nang matalo ng biktima ay may lihim din siyang galit dito dahil sa pambabastos sa kanyang ina.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply