Tinawag ang 3rd sex na karumal-dumal: Mga bakla, dapat sunugin at patayin– Pacman

UMANI ng matinding batikos si dating pound for pound King Manny “Pacman” Pacquiao mula sa mga bading matapos umano nitong banatan at sabihan na dapat sunugin at patayin ang mga ito.

Dahil dito, binastos at inisnab na ng sikat na entertainment show sa Los Angeles, USA na “Extra” at The Grove ang Pambansang Kamao at sinabing hindi welcome sa kanila ang sikat na Pinoy boxer.

Sa isang interview ng National Conservative Examiner, nagsalita si Pacquiao at ginamit nito ang isang verse sa Bible na Leviticus 20:13, na nagsasaad na “Ang lalaking sumiping sa kapwa lalaki ay gumagawa ng karumal-dumal na gawain; dapat silang sunugin at patayin upang mawala ang gayong kasamaan.

Ginawa ni Pacquiao ang komento bilang pagkontra sa paninindigan ni United States President Barack Obama na pabor sa same-sex marriage.

Sinabi pa ni Pacquiao sa Examiner na: “God only expects man and woman to be together and to be legally married, only if they are in love with each other.” “It should not be of the same sex so as to adulterate the altar of matrimony, like in the days of Sodom of Gomorrah of Old,”  wika pa nito.

Inilabas din ni Pacquiao ang kanyang tinuran na Bible verse sa kanyang official website, ayon sa ulat.

Dahil sa statement na ginawa ni Pacquiao, tumanggi na ang “Extra,” at The Grove na karamihan sa host ay mga miyembro ng third sex, na magsagawa ng special interview sa Pinoy.

“Manny Pacquiao is not coming to the Grove,” ani Bill Reich, spokesman ng The Grove.

Sa Twitter account ni Reich, inanunsiyo nito na hindi nila matatanggap sa The Grove si Pacquiao.

“For the sports star to announce that he thinks thousands of gay Angelenos should be ‘put to death’ for loving a same-sex partner should hugely alienate him to the locals. Not to mention alienate him politically to President Obama and the United States,” wika naman ng LA Weekly Magazine writer na si Simone Wilson.

Noong isang Linggo, inanunsyo ni Obama ang kanyang suporta sa same-sex marriage. “I think same-sex couples should be able to get married,” ani Obama.

Bilang miyembro ng Philippines Congress, mariing kinokontra ni Pacquiao ang Reproductive Health Bill at legalization ng divorce sa bansa.

Matapos ang controversial na panalo kay Juan Manuel Marquez noong Nobyembre, bigla na lang nagbago si Pacman at lumalim ang pananampalataya sa Diyos.

Isinakripisyo ng Pinoy boxer ang kanyang mga bisyo, kasama na ang sugal, pag-inom, sabong, night clubs at pambababae. Inuubos na umano ng boksingero ang kanyang oras sa pagbabasa ng Bible at pamamahayag ng salita ng Diyos.

“He gave his night club away, he gave his casino away, he doesn’t gamble anymore and he doesn’t drink anymore. He and his wife are together all the time now and they are very happy together,” ayon kay Freddie Roach.

Sa ngayon, lalong dumami ang kritiko ni Pacquiao matapos ihayag ang kanyang pananaw na kontra sa same-sex marriage at pagsasalita ng laban sa mga bading.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply