Tirador ng baka itinumba sa Ilocos Norte

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang isang lalaking tirador ng alagang baka at produkto ng mga magsasaka sa Ilocos Norte kagabi (Mayo 6).

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa magkabilang braso, sa kanang mata at sa iba pang parte ng katawan ang biktimang si Oliver Mangligot, 45-anyos ng Barangay Paratong, Paoay.

Ayon kay Chief Inspector Jaime Quiocho, hepe ng Paoay PNP, naganap ang insidente dakong alas-7:30 kagabi sa loob ng isang pampublikong sementeryo sa nasabing barangay.

Bago ito, inginunguso ng mga magsasaka na si Mangligot ang siyang nagnanakaw ng kanilang produkto at pumapatay sa kanilang alagang baka na pumapasok sa nasabing sementeryo.

Paniwala ni C/Insp. Jaime Quiocho, chief of police ng PNP Paoay na naubos na ang pasensya ng mga magsasakang nananakawan ng mga produkto at namamatayan ng mga alagang baka kaya bilang ganti ay pinatay si Mangligot.

Narekober ng pulisya ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 sa crime scene.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply