Titser natusta sa sunog sa Bacolod

NATUSTA ang isang retired teacher matapos ma-trap sa nasunog niyang bahay sa Brgy. Alijis, Bacolod City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Florenda “Nene” Rios, 73.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima nang bumili ng kandila sa isang tindahan matapos mag-brown-out sa kanilang lugar.

Ilang saglit pa ay nakita nang nagliyab ang bahay ng biktima.

Nang maapula ang sunog ay nakitang natusta na ang biktima.

Lumalabas na nag-iisa lang sa bahay ang guro magmula nang magtrabaho sa Maynila ang kanyang mga anak.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply