Tiwala ng publiko sa korte naibalik– Palasyo

MATAPOS mahatulang guilty si Chief Justice Renato Corona ay naibalik na ang tiwala ng publiko sa korte o sa hudikatura, ayon sa Malakanyang.

Naniniwala rin ang Palasyo na napalakas din na naging hatol ang demokrasya sa Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, tumutok si Pangulong Benigno Aquino sa botohan at pagpapasya ng Senate Impeachment Court pero siya na ang inatasang magbigay ng reaksyon.

“Let us never forget that those who come to court, be they rich or poor, must do so in the expectation of receiving impartial justice from those who uphold both the spirit and the letter of the law. The verdict of the Senate is a step forward in terms of restoring public confidence in our courts, and trust in the members of the judiciary.” bahagi ng pahayag ni Valte.

Ani Valte, ikinagalak nila ang naging hatol sa punong mahistrado.

Samantala, sinabi ni Valte, na mayroong 90 araw si Pangulong Aquino upang pumili ng ipapalit kay Corona.

Ang listahan aniya ng pagpipilian para sa susunod na magiging punong mahistrado ay magmumula sa Judicial and Bar Council (JBC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply