Tiwaling BI officials swak sa Ombudsman

KABILANG ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa mga may kaso ng katiwalian sa tanggapan ng Ombudsman, batay sa ipinalabas na listahan ng anti-graft body.

Sa talaan, umabot sa 98 kaso ng katiwalian at korupsyon laban sa mga opisyal at empleyado na sakop ng Department of Justice (DoJ) ang nakasalang ngayon sa tanggapan, ayon pa kay Ombudsman Conchita Morales-Carpio.

Gayunpaman, pansamantalang tumanggi ang Ombudsman na pangalanan ang mga immigration official hangga’t hindi pa nareresolbahan.

Ayon pa sa tanggapan, nagsasagawa sila ng fact-finding investigation sa mga opisyal ng immigration alinsunod sa ipinalabas na direktiba ni Pangulong Aquino na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa kontrobersiyal na pagtakas ng isang Korean national na pinaghahanap ng batas sa South Korea.

Bukod sa BI, kabilang din ang tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga ahensiyang iniimbestigahan ng Ombudsman kung saan 48 na kaso ng katiwalian at paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon pa sa talaan ng Ombudsman Finance and Management Information Office (OMB-FMIO), ang mga lokal na opisyal ng iba’t ibang siyudad at bayan sa Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng katiwalian at pagmamalabis sa puwesto.

Umaabot ito sa 3,852 kaso, kung saan ang 2,075 ay inihain sa punong tanggapan ng Ombudsman, 633 asunto naman ang isinampa sa OMB-Luzon, 600 sa Visayas regional office at 544 naman sa Ombudsman-Mindanao.

Sa hanay ng government agencies, ang Philippine National Police (PNP) ang may pinakamaraming asunto sa bilang na 1,128 sumunod ang Department of Education (DepED) na may 562 kaso ng katiwalian.

117 kaso naman ang nakasalang laban sa mga opisyal ng Bureau of Customs habang limang kaso ng katiwalian ang nakabinbin laban naman sa mga airport police at sa mga opisyal ng Mactan-Cebu International Airport Authority.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply