TNT panalo vs B-Meg, manalo, kampeon sa Linggo

INUNSIYAMI ng Talk ‘N Text ang pagsasaya na sana ng B-Meg Llamados kanina makaraang puwersahing manalo ng defending champion ng PBA Commissioner’s Cup sa Game Six ng best-of-seven, championship series sa Smart Araneta Coliseum, 92-82.

Solong binitbit ni Jason Castro ang Texters nang kumana ng 25 points, dahilan para lumawig pa sa Game 7 ang laban para sa kampeonato na gaganapin naman sa Linggo.

Sa unang quarter ng laro ay mainit agad ang ipinakita ng Llamados sa pangunguna ni Denzel Bowles na gumawa agad ng 14 points, habang hirap naman ang Tropang Texters kahit nagtulong pa sina Larry Fonacier at Jared Dillinger.
Sa second quarter ay lalong napag-iwanan ang TNT nang magpakitang gilas naman si Peter June Simon ng B-Meg na sinabayan pa ni James Yap sa pagtatala ng 12 puntos.

Tatlong minuto na lang ang natitira sa second quarter nang pasiglahin ni Ryan Reyes ang TNT sa pamamagitan ng makamandag na opensa at mahabol ang Llamados, 39-30.

Nagtuloy-tuloy naman ang suwerte ng Tropang Texters sa sumunod na mga quarter nang mabuhay ang dugo nina Donnell Harvey at Ryan Reyes na umiskor ng lima para mapalapit pa sa iskor ng kalaban at tuluyang maiuwi ang panalo.

Dahil sa panalo ng TNT, magkakaalam na sa Linggop kung sino ang mag-uuwi ng kampeonato sa kanilang do-or-die game.

 

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply