Top 3 finalist ng American Idol isa-isang in-evaluate

SA ELIMINATION night ngayon ng American Idol season 11, ay isa-isa munang in-evaluate ng mentor na si Jimmy Iovine ang top 3 finalist.

Unang tinawag si Joshua Ledet na nakakuha ng standing ovation kahapon sa performance niya sa round one. Ani Jimmy, maganda ang performance ni Joshua ngunit hindi ito ang maituturing na best ng singer.

Sunod na tinawag si Jessica Sanchez na at sinabi ni Jimmy na nakulangan siya sa My All at I Don’t Want To Miss A Thing ng dalagita kahit na umani ito ng standing ovation mula sa original singer ng kanta na si Ido judge Steven Tyler.

Huling tinawag sa evaluation si Phillip Phillips na nakakuha ng standing ovation kahapon ng awitin niya ang “We’ve Got Tonight” (sa mentor’s choice) na isang ballad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply