Totoy dedo habang nanghuhuli ng ibon

LAGUNA – Sa kagustuhang makahuli ng ibon, pilit inabot ng 12-anyos na bata ang pugad na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan sa Barangay Callos, Sta Cruz.

Kinilala ni P/Supt. Dennis Macalintal, hepe ng Sta. Cruz PNP, ang biktima na kaagad na binawian ng buhay habang isinusugod sa pinakamalapit na pagamutan na si Jeriel Figueroa, naninirahan sa Purok Imelda ng nabanggit na lalawigan.

Mapalad namang nakaligtas ang nakababatang kapatid ng biktima na si Jhon Alfred, 11, gayundin ang kanilang kalaro na si Jhon Bryan Dionisio, kapwa residente ng Barangay Callos, Sta. Cruz, Laguna.

Sa ulat na isinumite kay P/SSupt. Gilbert Cruz, Provincial Director ng Laguna PNP, alas-2:00 ng hapon ay naglalaro ang tatlong bata hanggang sa mamataan nila ang pugad ng ibon sa puno.

Upang maabot ang pugad ay sumampa sa gate na bakal ng Himlayan Cemetery ang biktima. Lingid sa mga bata ay may diperensya pala ang gate kaya nagulat na lamang ang mga ito nang bumagsak ang gate at maipit si Figueroa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang pananagutan ng may-ari ng sementeryo sa sinapit ng bata.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply