Tourists arrival nagtala ng all-time record

NAGTALA ng all-time high record ang Department of Tourism (DOT) sa bilang ng mga nagpuntang dayuhang turista sa bansa.

Ani Tourism marketing communication officer Evelyn Macayoyong, nitong Enero at Pebrero lamang ay nagtala sila ng 800,000 tourist arrival, kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas na lumagpas sa 400,000-mark sa loob lamang ng isang buwan.

Lumalabas na pinakamarami sa bisitang dayuhan ay Koreans, Chinese at Japanese.

Mataas din ang bilang ng mga “balik-bayan” o mga Pinoy na naninirahan na sa labas ng bansa na bumisita sa Pilipinas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply