Traffic, ukay-ukay at pirated DVD

GRABE ang traffic ng sasakyan sa kahabaan ng Pan-Philippine Hi-way na bumabaybay sa mga rehiyon ng Southern Luzon at Kabikulan.

Mantakin ninyo bang madaling araw na’y naglipana pa rin ang mga truck, bus, SUV, kotse at may mga naka-motor pa, may small at big bikes na ang may mga may dala ay mukhang galing pa ng malayo at saan man madako ay hari sila ng lansangan.

Una nating naisip na maaring ang dahilan ng traffic ay ang  ginagawang bahagi ng highway sa lalawigan ng Quezon.

Pero ito ang totoo: bukod sa ginagawang daan na nagpapabagal sa daloy ng trapiko, talaga lang na marami nang mga sasakyang dumaraan sa natu- rang highway, paroo’t parito sila sa Northern at Southern Luzon, may mga hanggang Visayas at Mindanao pa ang pinanggalingan o kaya ay patutunguhan.

Maganda marahil ang epekto nito sa mga maliliit na namumuhunan kung ang magiging batayan ay ang parang kabuteng mga kainan sa tabi ng lansangan.

Konting tiis pa at kapag natapos ang highway, maiibsan, kung hindi man mareresolba, ang bigat ng daloy ng trapiko sa maghapon at magdamag sa Pan-Philippine Highway sa Southern Tagalog at Kabikulan.

Sa lungsod ng Naga sa Camarines Sur, tulad ng iba pang bahagi ng Bicol, naglipana rin ang masasarap na pagkain.

Grabe! Pili nut, laing, pinangat, kinunot, ginataang dinuguan, bicol express, pati ang “smallest commercial/edible fish” sa mundo na sinarapan o Tabios na Pandaca Pymea sabi ng teacher natin sa Biology noong araw at marami pang iba.

Marami ring magagandang restaurant sa Naga City pero bukod dito, maganda rin ang tanawin sa kapaligiran.

Ok naman, isang bagay lang: may ilan lang naman na nakita tayong nagbebenta ng mga pirated dvd/blu ray sa may paligid mismo ng plaza ng lungsod ng Naga.

Kakaunti pa lang pero may mga nagtatayo na ng mga stall na magkakatabi pa, para bang tulad ng mga nasa kahabaan ng Rizal Avenue ng Olongapo City na pawang mga pirated dvd/blu ray discs at players ang tinda.

Namamayagpag rin ang mga ukay-ukay na akala ba natin ay bawal.

Sa pangkalahatan, maganda ang Naga at natitiyak kong muli at muli natin itong papasyalan.

Sana nga lang, huwag nang hayaang yumabong ang mga lihis na pagnenegosyo ng ilan at magpatuloy na ang pag-unlad ng rehiyon na dati’y pinakamahirap sa balat ng lupaing Pilipinas.

Ito Ang Totoo.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahesa cp no.09994- 001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply