Trak vs motor: 1 patay, 1 kritikal

ISA ang nasawi at isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang salpukin ng isang cargo truck ang motorsiklo sa  Calamba, Laguna kaninang madaling araw, Mayo 25.

Dead on the spot ang driver ng motorsiklo na si Eric Monchaves habang kritikal naman ang angkas nito na si Daisy Austria na kasalukuyang ginagamot sa Cabrini Hospital sa Sto. Tomas, Batangas.

Nabatid na patungong Maynila ang cargo truck na minamaneho ni Herminio Pidraha nang mabangga nito ang motorsiklo sa Brgy. Turbina sa Calamba, naturang lalawigan pasado alas-5:00 ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang  driver ng truck na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and serious physical injuries.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply