Transport groups hati sa fare price rollback

HINDI kumbinsido at hati ang damdamin ng transport groups na i-rollback ang singil sa pamasahe matapos ang big time rollback na P1.70 kada litro ng oil companies kaninang umaga.

Hindi sang-ayon ang grupo ni Efren de Luna ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) at ang militant transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na ibalik ang pamasahe sa dating P8.00 sa unang apat na kilometro.

Sa interview, idiniin ni De Luna na may existence rules and regulations ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dapat sundin.

Giit ni De Luna, sa katunayan aniya ay may pending petition of fare hike pa sila na P2.00 halos isang taon na at hindi pa nabibigyan ng pansin.

Sa panig naman ng (PISTON), giit nito na overpriced pa rin ang presyo ng oil products kung kaya tahimik ito kung payag silang i-rollback ang pamasahe.

Nauna rito, sinabi naman ng grupo ni Obet Martin ng Pasang Masda na ang grupo nila ay pupunta sa LTFRB upang magsampa ng petition of fare rollback sa lalong madaling panahon.

Na sinundan naman ng National Commuter Council for Protection at Public Commuter and Private Motorists (NCCP-PCMA) sa pagsasabing sa laki ng rollback na ibinigay ng oil companies dapat din mag-rollback ng pamasahe ang transport groups.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply