Travel ban vs Manuel Jimenez III palawigin

HINILING ng dating beauty queen at aktres na si Rochelle Barrameda sa Department of Justice na palawigin pa ang travel ban laban sa pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ruby Rose.

Sinabi ng aktres na ang kanyang panawagan sa ahensya ay dahil sa pangamba na tuluyan nang makalabas ng bansa ang mister ng kanyang kapatid na si Manuel Jimenez III sa oras na mapaso na ang bisa ng hold departure order laban sa kanya.

Ginawa ni Barrameda ang panawagan matapos i-deny ng Office of the President ang petition for review na isinumite ni Jimenez noong 2010 para sang-ayunan ang DOJ resolution na ipinalabas sa naturan ding taon.

Matatandaan na inirekomenda sa naturang resolusyon ang pagsasampa ng kasong parricide laban kay Jimenez kung saan agad namang ipinag-utos ng noon ay kalihim ng DOJ na si Alberto Agra ang pagbabawal sa suspek na makalabas ng bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply