Tren vs van: 3 patay, 9 sugatan

TATLO katao ang namatay habang siyam pa ang nasugatan matapos araruhin ng isang tren ang isang Toyota Innova sa Candelaria, Quezon, kaninang madaling araw.

Ang mga namatay ay nakilala lamang sa pangalang Nicole, limang taong gulang; Paula, 17-anyos at Nancy, 40-anyos.

Kasalukuyang nasa United Candelaria Doctor Hospital at Peter-Paul Hospital ang mga nasugatan at binabantayan ang kondisyon.

Nabatid na wasak na wasak ang Toyota Innova nang makaladkad ito ng tren na may biyaheng Bicol-Manila kaninang alas-4:10 ng madaling araw.

Patungo sana sa Lucena ang van na minamaneho ni Jonathan Domingo Agasi.

Batay sa ulat, sinenyasan ng flagman ang van para pahintuin ito ngunit nagtuloy-tuloy pa rin ito hanggang sa mabangga ng tren.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply