Tricycle driver tinodas dahil sa utang

DAHIL sa utang na P200, binaril ng tricycle driver ang kapawa drayber sa San Andres Bukid sa Maynila, kaninang madaling araw.

Namatay habang isinusugod sa Sta Ana. Hospital ang biktimang si Abelardo Viray, Jr., 42-anyos; may-asawa at taga-Topacio St., San Andres Bukid.

Kusang loob namang sumuko sa barangay official ang suspek na si Marvin Lagbunan, 42, binata, at taga-Crisolita St., San Andres Bukid.

Batay sa ulat ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 12:20 ng madaling araw nang maganap ang naturang insidente sa panulukan ng Crisolita St., at Road 4 sa San Andres Bukid.

Bago ang nasabing insidente, nakikipag-inuman si Lagbunan sa isang Felix Dawis, 22-anyos, nang dumating si Viray para singilin ang suspek.

Wala naman umano itong maibigay na pera, dahil nangatuwiran na nakabili na siya ng alak na kanilang iniinom kaya nagalit ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Nagpambuno ang dalawa at nang makaalpas ang suspek ay umuwi ito ng kanilang bahay at nang bumalik ay armado na ito ng isang improvised shotgun (sumpak) at saka walang sabi-sabing binaril nang malapitan sa dibdib ang biktima.

Matapos isagawa ang pamamaril, kusang loob na sumuko ang suspek sa barangay kagawad na si Aristotle Gonzales, ng Brgy. 747 Zone 287 at dinala ito sa himpilan ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply