Tricycle vs dyip: Paslit patay, 5 sugatan

TODAS ang isang dalawang-taong gulang na bata habang sugatan ang limang kasama nito nang bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa kasalubong na pampasaherong dyip sa Naguillan, La Union.

Agad namatay ang batang si Angel Aris habang isinugod naman sa ospital ang mga nasugatan na sina Lerma Aris, 26; Joey Casuga, 36; Denver Casuga, 7; Carl Casuga, 1-taon gulag at ang nagmamaneho ng tricycle na si Leo Ducusin, 17. Ang mga biktima ay pawang taga-San Fernando City, La Union.

Batay sa paunang ulat, may iniwasang mini bus ang tricycle kaya nawalan ito ng kontrol at napunta sa kabilang lane at sumalpok sa dyip na dala ni Anthony Nelga, 31-anyos.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply