Tricycle vs motorsiklo: 1 dedo, 5 sugatan

ISA ang patay habang lima pa ang nasugatan sa naganap na banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Barangay Maglaoi Norte, Currimao, Ilocos Norte.

Ang mga namatay ay kinilala na si Samuel Ibarra, 45, taga-Brgy. Namnama, Sinait, Ilocos Sur, may dala ng Honda TMX na motorsiklo.

Sugatan naman ang mga nakasakay sa tricycle na sina Gerwin Tumandao, residente ng Brgy. Alugoog; Thadeus Tolentino, residente ng Brgy. Aring; Mark Tolentino, residente ng Brgy. Canaam at si Michael Malubay, at ang drayber na  si Angelo Molina, parehong residente ng Brgy. Gareta, Badoc, Ilocos Norte.

Ayon imbestigasyon ng PNP Currimao, ang namatay na biktima ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay habang pawang minor injuries lang ang natamo ng mga apat na nasugatan.

Naiwan naman sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang sugatan na si Mark Tolentino.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang tricycle ay nasa tamang linya ngunit nag-counterflow ang motorsiklo kaya nagresulta sa banggaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply