Trillanes umaray sa upak ng media sa pagbili ng condo

LANTARAN ang pag-aray ni Senador Antonio Trillanes IV sa upak ng ilang media personalities saka mahigpit na pinabulaanan ang paratang na nakabili siya ng dalawang unit sa Twin Oaks Condominium sa Mandaluyong City.

Sa ipinalabas na statement, sinabi ni Trillanes na nagkaroon ng sinasabi nitong “orchestrated and malicious reports as blind items” nitong mga nakaraang araw partikular ang upak nina Arnold Clavio sa kanyang programa sa DZBB na siya ang buyer ng dalawang condominium units sa Twin Oaks.

Ganito din umano ang upak ni Jojo Robles sa Manila Standard noong Abril 18, 2012 at subject naman ng radio program ni Deo Macalma noong Abril 19,2012.

“In response to these obviously well-orchestrated and malicious reports masquerading as blind items, I hereby categorically deny that I have bought a unit or units at the Twin Oaks Condominium, Mandaluyong City. I further state that I do not have any property not declared in my Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN), aniya.

Sinabi ni Trillanes na nakahanda siyang samahan ang naturang mga media personality sa developer ng Twin Oaks upang linawin ang isyung ibinabato sa kanya.

Nilinaw pa ni Trillanes na siya ang nangungunang nagsusulong ng malaya at independyenteng media bilang instrumento ng transparency sa pamamahala.

“Towards this end, I am the principal author of the freedom of information (FOI) bill in the Senate; I also filed a bill that will expand the confidentiality of media sources; and I openly pushed for the decriminalization of libel,” paliwanag ni Trillanes. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply