TRO sa dollar account ni CJ Corona tinalakay

TATALAKAYIN ngayong araw sa caucus ng impeachment court ang inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa pagbubukas sa dollar accounts ng Punong Mahistrado sa Philippine Savings Bank (PSB).

Magugunita na nagsumite ng mosyon si Sen. Koko Pimentel para hilingin na konsiderahain ang 13-10 vote at irespeto ang TRO ng Korte Suprema.

Pagpapasyahan din ng senado kung iimbitahan ang mga manager ng banko para i-authenticate ang mga bank account na nakapangalan  kay Chief Justice Renato Corona na nakalagay sa 17 pahinang report ng  Anti-Money Laundering Council na ipiniresinta ni Ombudsman Conchita Morales.

Ayon naman kay Senador Koko Pimentel ebidensya na lamang ang tanging pagbabasihan niya sa hatol kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi  ni Pimentel na useless o walang silbi ang anumang paglalobby sa kaniya ng alinmang sekta ng relihiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply