Tropang Texters dehado sa B-Meg

NANGANGANIB na mabitawan ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang kanilang trono dahil naangatan na sila ng kanilang mahigpit na katunggaling B-Meg Llamados sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Namumuro ang Llamados na masungkit ang titulo matapos pagpagin ang Tropang Texters, 82-66 kagabi sa Araneta Coliseum upang ilista ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Bukas ng alas-6:45 ng gabi, (May 4) sa The Big Dome, nakatakdang tapusin ng Llamados ang Tropa ni TNT coach Chot Reyes upang makamtam ni B-Meg head coach Tim Cone ang kanyang pang-14 na kampeonato.

Muling sasandal ang Llamados sa kanilang depensa na siyang bumuhay sa kanila sa Game 5 upang makamit ng B-Meg ang pang-siyam na titulo.

Bumaon ng 30 puntos si former two-time MVP James Yap subalit ang mahigpit na depensa nina Marc Pingris at Yancy De Ocampo ang naging susi ng kanilang panalo dahil nalimitahan nila sa 13 puntos ang import ng Tropang Texters na si Donnell Harvey.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply