Trak sumalpok sa 2 poste; pahinante sugatan

NASUGATAN ang isang pahinante nang maipit nang higit sa isang oras makaraang mabangga ang 14-wheeler truck sa dalawang poste sa southbound lane, paakyat ng flyover sa EDSA-Quezon Avenue kaninang madaling-araw.

Nabatid na sugatan ang pahinanteng si Aries Santos nang nabangga ng truck ang dalawang poste ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nagkalat din sa daan ang mga kargang hollow blocks ng nasabing truck.

May 10 minutong isinara ang daan, na nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

Base naman sa truck driver na nakilalang si Crisanto Ocampo, ginitgit siya ng isang pampasaherong bus kaya’t nakabig niya ang manibela hanggang sa sila ay maaksidente.

Hinihinalang nakatulog ang tsuper kung kaya sumapok ang trak sa naturang mga poste.

Nagmula ang naturang bus sa Porac Pampanga patungo sanang Quezon City upang dalhin ang mga kargang hollow blocks.

Nahaharap si Ocampo sa mga kasong reckless imprudence resulting in physical injury at damage to property.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply