Tserman nilikida sa sariling paliga

ILOILO – Dead on the spot ang isang punong barangay matapos ilang ulit na pagbabarilin ng nagsosolong salarin sa Lingao Proper sa bayan ng Cabatuan bandang alas-2:00 kaninang madaling araw.

Base sa ulat, kinilala ang namatay na si Punong Barangay Felix Muel Jr.

Sa impormasyong ibinahagi ni SPO1 Ritchfield Alag, kasapi ng  Cabatuan Municipal Police Station, naganap ang pamamaril sa kalagitnaan ng championship game ng isang local basketball league.

Nasa awarding ceremony na ng idinadaos na liga ng basketball nang lapitan ng hindi pa nakikilalang armado ang biktima at agad itong binaril. Tinamaan ng bala sa leeg na tumagos sa noo ang punong barangay.

Ayon sa pulisya, may suspek na sila bagaman hindi pa nila papangalanan habang patuloy ang imbestigasyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply