Tserman, parak, 2 pa todas sa duwelo

APAT katao ang namatay kabilang ang nagduwelong barangay chairman at pulis sa Barangay Takas, Jaro District, Iloilo City, base sa inisyal na eport ng PNP ngayon.

Ayon sa ulat, bukod sa mga namatay na kinilala na sina chairman Rolando Tabuada, PO3 Jerome Jacolina, pinsan nitong si Leny Jacolina at Avelino Sabidas, ay walong iba pa ang nasugatan sa insidente.

Batay sa ulat, pasado alas-12:00 ng hatinggabi masayang nanonood ang mga nabanggit na biktima sa isinasagawang ng coronation night para sa fiesta queen ng kanilang barangay sa naturang lugar.

Sinasabing bigla na lamang umanong nagtalo ang magkaibigang sina Tabuada at PO3 Jacolina.

Dahil sa dami ng tao sa lugar, hindi namalayan ng mga nanonood patimpalak na may nagagaanp na palang mainitang diskusyon sa pagitan ng dalawa hanggang sa magkabunutan ng baril.

Ang pagtatalo ay nauwi sa patayan at sa dahil na rin sa dami ng tao ay nasugatan ang walong iba pa kabilang ang ilang kamag-anak nina Tabuada at PO3 Jacolina.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply