Tsismis na pinagtataksilan ni misis, mister nagpakamatay

PAGPAPAKAMATAY sa pamamagitan ng pag-inum ng insecticide ang ginawa ng isang 44-anyos na mister nang mabalitaan ang umano’y pagtataksil ng kanyang asawa habang nagtatrabaho siya sa isang bukirin sa lalawigan ng Pampanga kamakalawa ng gabi sa Paranaque City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Roger Melgar, residente ng Cluster 8 Gawad Kalinga Maralit Annex 38 Malacanang Dulo, Barangay Don Bosco sanhi ng pagkalason sa ininom na insecticide.

Batay sa imbestigasyon nina SPO1 Reynaldo Serafica at PO2 Arthur Encallado, Jr. ng Paranaque Police Investigation Division, dumating sa kanilang bahay ang biktima dakong alas-10 ng gabi buhat sa pagtatrabaho bilang tagabantay ng isang bukirin at kaagad na kinompronta ang asawa hinggil sa balitang pagtataksil habang siya’y nasa Pampanga.

Itinanggi umano ng ginang ang akusasyon hanggang sa humantong ang komprontasyon sa mainitang pagtatalo kaya’t sinakal ng biktima ang kanyang misis subalit naawat sila ng kanilang kaanak.

Dahil dito’y nag-alsa balutan na ang ginang at nilayasan ang kanyang pamilya na naging dahilan upang magkulong sa silid ang kanyang mister at nilaklak ang isang botelya ng insecticide.

Natuklasan lamang ang pag-inom ng lason ng biktima nang mabasag ang botelya ng insecticide kaya’t pumasok sa silid ang kanyang 19-anyos na anak at nakitang bumubula na ang bibig ng ama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply