Tubig sa gripo sa MM ligtas inumin– DOH

LIGTAS umanong inumin ang tubig sa gripo sa Metro Manila matapos ang maraming beses na pagsusuri ng mga dalubhasa, ayon sa Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR).

Ito ang nabatid sa pulong ng Department of Science and Technology-National Academy of Science and Technology (DOST-NAST) na pinamagatang “Round Table Discussion On Water Borne Diseases” sa Maynila.

Ayon kay Dr. Nilo Marayad ng DOH-NCR, base sa kanilang pagsusuri sa mga water sample nitong nakaraang Abril, ligtas naman ang mga inuming tubig sa gripo sa Metro Manila.

Ani Marayad, palagi silang nakikipag-ugnayan sa water concessionaire ng Metro Manila at sa Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS).

Isa si Marayad na dumalo sa pulong, na ipinatawag ng National Academy for Science and Technology, Philippines (NAST-PH). Nasa pulong din si Evangeline Clemente ng MWSI.

Ang nasabing pagpupulong ay paghahanda sa Annual Scientific Meeting (ASM) ngayong Hulyo.

Ang NAST ay isa sa dalawang advisory body ng DOST, na namamahala sa usaping agham at teknolohiya ng bansa, na pinamumunuan ni Dr. Emil Q. Javier .

Nagsasagawa ang NAST ng serye ng round table discussions (RTD) tungkol sa probisyon ng malinis na maiinom na tubig, patubig, pagpigil ng baha at ibang usapin tungkol sa katubigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply