Tulak na parak dinakma sa CDO

NAARESTO ang isang pulis na umano’y tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) sa Cagayan de Oro City.

Ang suspek ay kinilala na si PO3 Teotimo Vallar, na nakatalaga sa Magsaysay Police Station.

Ayon sa ulat, nakuha sa pag-iingat ni Vallar ang anim na sachets ng shabu, isang walang lisensyang baril at P500 na marked money.

Nabatid na nasa “order of battle” ang suspek.

Inamin naman ni Vallar na nagtitinda at gumagamit siya ng iligal na droga.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply