Tulak ng shabu tiklo sa Cagayan de Oro

UMABOT sa 25 hinihinalang mga drug den ang naipasara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa kasalukuyan.

Batay sa ulat ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. karagdagan dito ang illegal stop-shop drug hub na pag-aari ng isang Oliver Manuel, 42 anyos na habal-habal driver, na isinara ng PDEA kasunod ng isinagawang buy-bust operation laban dito.

Ayon sa ulat isang undercover agent ng  PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) na pinamumunuan ni Director Roberto Opeña ang nakipag-transaksyon kay Manuel sa bahay nito sa Phase 2, Area 4, Macanhan sa Carmen, Cagayan de Oro City.

Nadiskubre ng PDEA na ginagamit na drug den ang nasabing bahay matapos silang bentahan ni Manuel ng shabu 100 metro lamang ang layo sa Macanhan Elementary School kung saan kilala rin si Manuel na tulak ng shabu sa lugar .

Sa pahahalughog, 12 sachet pa ng shabu ang nakuha ng PDEA at mga paraphernalias na ginagamit sa paghithit ng shabu. Gayundin ang may anim na unit ng cellphones na ginagamit umano ni Manuel sa kanyang iligal na transaksyon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 6 (Maintenance of a Den), Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  ang nahuling suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply