Tulfo Brothers pinagalitan ng nanay!

HINDI umano nagustuhan ng pamunuan ng TV5 ang mga pahayag nina Raffy, Ben at Erwin Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto kaya nagkaroon ng pag-uusap tungkol dito. Maagap naman sa kanyang paghingi ng paumanhin si Erwin sa lahat ng mga nanonood sa T3 Kapatid, Sagot Kita at sa mga nakikinig sa kanila sa Punto Asintado sa Radyo Singko 92.3. Maging ang ina ng magkakapatid ay hindi rin sang-ayon sa kanilang mga sinabi.

“Kung kayo ho, hindi ninyo nagustuhan, kahit hindi kayo kasama sa problemang ito, ang amin pong paumanhin. Maging ang aming ina ay hindi nagustuhan dahil ito raw ay pagbabanta. Ang sagot ho namin sa aming ina, ito ay bugso ng damdamin. Inilabas lamang ho namin yung aming sama ng loob.

Nevertheless, hindi pa rin karapat-dapat bilang isang broadcaster.

Kami ho ay humihingi ng paumanhin sa aming mga tagapakinig, sa mga nasaktan po at sa mga natakot.

Anyway, ‘ika nga, e, nasa korte na ang problema na ‘yan at isa pa, e, naiparating na namin ang mensahe.

Ang inyo pong pang-unawa at paumanhin sa mga salitang binitiwan namin kahapon dahil hindi naman po ito tinatangkilik ng aming istasyon, ng TV5 Network, sampu ng management,” parte ng mahabang paghingi ng sorry ni Erwin sa lahat.

Anyway, naintindihan natin ang damdamin ng mga kakapatid. Ang ginawa ng kanilang kuya ay trabaho lamang. Talaga namang saksakan ng bagsik ang bibig nitong si Claudine. Nagpapa-underdog sila sa labang ito para makuha ang simpatya ng publiko.

***

Superstar Nora Aunor sa ‘Inside The Cinema’ kasama si Boy Abunda

IPAGDIRIWANG ng nag-iisang “Superstar” Ms. Nora Aunor ang kanyang ika-59 na kaarawan kasama ang premyadong television host na si Boy Abunda sa isang exclusive one-on-one interview sa Inside the Cinema. Bubusisiin ni Abunda ang buhay at mga pelikula ni Aunor kasama na ang kanyang awards at achievements sa local at international scene.

Ang mga Noranians ay magsisilbing audience sa show kung saan bibigyan sila ng pagkakataong magtanong sa kanilang idolo.

Ibabahagi ni Aunor ang karanasan nitong parang napo-possess ng kanyang mga karakter na ginagampanan sapagkat nararamdaman niya ang bawat isang emosyon nito. Pag-uusapan din ang ginawa niyang pelikula noong 1967 kung kailan siya nagsimula at ang mga nakatrabahong direcktor mula sa malikhaing kamay ni Gerardo de Leon at ni Lamberto Avellana, hanggang sa magnipikong gawa ni Lino Brocka, Ishmael Bernal, Mario O’Hara, Lupita Aquino, Elwood Perez, Maryo J De los Reyes, Joel Lamangan hanggang kay Direk Brillante Mendoza.

Ibabahagi din ni Aunor sa publiko ang ilang mga karanasan sa paggawa ng pelikula na pinamagatang “Thy Womb” kung saan siya ay gumaganap bilang isang Badjao midwife.

Mapapanood ang kabuuan ng interview ngayong 7:30 ng gabi sa Inside the Cinema sa Cinema One.

Ipapalabas ito muli sa ika-12 ng Mayo sa ganap na 2:30 ng umaga at 12:30 ng hapon at sa ika-13 ng Mayo sa ganap na 10:30 ng gabi.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply