Tulfo brothers sinuspinde na ng TV5

MAKARAAN ang pagbabanta sa mag-asawang Raymart at Claudine Santigao dahil sa pagkakabugbog sa kanilang kuya na si Ramon “Mon” Tulfo ay sinuspinde na ang magkakapatid na Raffy, Ben at Erwin sa kanilang programang “T3 Kapatid Sagot Kita” sa TV5.

Pansamantala namang isasalpak ang kanilang kuya na si Mon.

Nag-ugat ang maiinit na pahayag ng magkakapatid na Tulfo matapos malamog ang kanilang kuya nang pagtulungang bugbugin ng grupo nina Raymart sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo.

Epektibo ang suspensyon ng tatlo mula ngayong araw at magtatapos sa Biyernes, Mayo 11.

Sinuspinde ng TV5 ang Tulfo brothers nang kondenahin ng network ang pagbabanta at pagmumura ng magkakapatid laban sa mag-asawang Santiago habang nasa ere.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply