Tulong ng US sa Scarborough Shoal iginiit

IGINIIT ng dalawang senador na dapat tumulong ang United States (US) hinggil sa lumalalang sigalot ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal alinsunod sa itinakda ng Mutual Defense Treaty (MDT.

Sa magkakahiwalay na panayam nitong Miyerkoles, sinabi nina Senate Majority Leader Vicente Sotto III and Sen. Panfilo Lacson na nararapat ang tulong ng US sa Pilipinas laban sa China na umaangkin sa teritoryo ng ating bansa sa Panatag Shoal.

” I expect no less than guaranteed help from the US. We are their number 1 ally in this part of the world,” ayon kay Sotto.

Ngunit, ayon naman kay Lacson, hindi magagawang kumampi ng US sa Pilipinas dahil pinangangalagaan nito ang kanilang interes sa pagnenegosyo sa China na pangunahing konsiderasyon sa magiging desisyon ng Washington sa foreign policy nito.

“The US cannot afford to take sides considering that American business interests in China will always play a vital role in their foreign policy decisions. On the other hand, the Philippines will always be their strategic ally in this part of the world,” ayon kay Lacson.

Nitong Miyerkoles, iginiit ng Maynila sa Washington na dapat tumulong o tuluyan nang manghimasok ng US sa standoff ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal na mas tumitindi matapos tumanggi ang Beijing na pumaloob sa International Tribunal on the Law of the Sea  (ITLOS).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply