Tuloy-tuloy lang

MAY kaibigan akong katatapos lang ng bakasyon dito at bumalik na sa Estados Unidos. Sa aming pamamasyal ay napansin niyang parating may mga bagong malls  tuwing uuwi siya. Maganda daw ang mga bagong gusali na ito pati na rin ang mga kainan at mga tindahan. Salamat na lang sa Ayala Malls sa kanilang patuloy na pagpapaganda ng ating mga panlibangang lugar.

Pero hindi lahat ng napuna ng aking kaibigan ay maganda. Isang linggo rin siyang namalagi sa probinsya ng kanyang ama sa Olongapo City. At dahil 3 years ago pa ang kanyang huling uwi ay expired na ang kanyang drivers license. Sa LTO Olongapo ay tatlong libong piso lamang ay tapos na ang iyong problema.

Sa isang balikbayan tulad ng aking kaibigan ay medyo balewala ang halagang ito. Pero teka, baka iniisip niyo non-appearance ito. Hindi rin! Nag exam pa rin siya. Exam na may sagot na. Sa drug test lang siya nag non-appearance. Ang sabi ko tuloy sa sarili ko, lumalaki ang kalakal d’yan sa LTO. Walang nagbago.  Tuloy-tuloy lang. Assec Virginia Torres, kamusta na po? Asus!

Ang Makati City ay itinuturing na financial district ng bansa. Ito’y tinitingala dahil sa mga naglalakihang mga gusali at magagandang daan. Andiyan ang mga hotels, shopping malls, modernong ospital, at ang 21-palapag na Makati City Hall. Kaya nga lang, sabi ko nga dati na habang ang Makati ay highly-urbanized city ay mukha namang kulang sa urbanindad ang ibang nanunungkulan diyan.  Simulan natin sa mga tauhan ng MAPSA o Makati Public Safety Assistance. Ang ganda ng pangalan pero di bagay e. Matagal nang nakasaad sa batas na pulis man o militar, MMDA personnel, at mga deputized traffic enforcers ay hindi puwedeng sumuway sa batas trapiko maliban lamang kung may habulang nagaganap o ang tinatawag nilang in “hot pursuit.”

Sa kahabaan ng Malugay St. Sa Brgy. San Antonio ay muntik na akong makabangga ng tumatawid na MAPSA na biglaang lumabas mula sa gilid. Tapos may nakamotorsiklo namang MAPSA rin na sumasalubong sa amin. One way po kasi ang Malugay. Aba, e muntik naman siyang tamaan ng isang taxi.
Sayang lang ang sinusweldo sa mga katulad niyo. Dinadamay niyo pa yung mgaw matitinong taga MAPSA.
Hindi ko alam kung si Direktor Hermie San Miguel pa rin ang hepe ng MAPSA pero hindi rin naman nakikinig ata yun. Ang nakakahiya pa dito ay sa Brgy. San Antonio pa nagkakaganito kung saan residente ang City Mayor at ang Bise-Presidente ng bansa natin. Isa pa rin naman itong si Kapitana Rosario Go na wala ring kaaksyon-aksyon.

Ang sabi kasi sa akin ng matalik kong kaibigan na ang nanay ay matalik na kaibigan ni Go ay madalas daw itong wala sa bansa. Kaya hindi ako nagtataka sa Guijo St. ay patuloy ang panghihingi ni Tatay ng parking fee sa gabi. Di hamak kasi mas malaki ang kita ni Tatay kumpara sa kanyang sari-sari store.

Tuloy-tuloy lang. Ganyan dito sa Pilipinas, noon at ngayon.

*****

Happy Birthday kay Rich Manalad ng Hyundai Asia Resources Inc!

* * *

INIIMBITAHAN ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t-ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply