Tupadahan sa Brgy. Tatalon may basbas ang mayor, QCPD?

GALIT na galit ang mga residente ng Brgy. Tatalon sa Quezon City partikular na ang mga nasa Manungal St., dahil sa pagkakaroon ng tupadahan sa may basketball court ng nasabing barangay.

Sa nakarating na sumbong sa Lily’s Files ng mga residente ay sinasabing nagpatupada umano ang Brgy. Chairman na si Benedick Banega at ang mga  kagawad nitong sina Edwin Abanio, Eric Olaguer, Vic del Rosario, Evelyn Maglaque, Rodel Lobo, Noel Estrella at Reneboy  Santos, sa Vic-tory Bliss Basketball Court noong nakalipas na araw ng Biyernes hanggang noong Linggo.

Ipinagmamalaki umano ng mga Barangay Official  na binigyan sila ng pahintulot ni QC Mayor Herbert Bautista at Quezon City Police District (QCPD) Director, General Mario Dela Vega.

Tanong ng mga residente ay kung magkano ang kinita ng na-sabing tupada at saan napunta ang pera na agad namang tinugon ng mga opisyal ng barangay na itinulong nila ito sa isang kapilya.

At kapag tinatanong daw ng mga residente kung magkano ang ibinigay sa kapilya ay hindi  ito masagot ng mga opisyal.

Napag-alaman na hindi naman daw kapistahan ng barangay at ang may piesta lamang ay ang isang area ng Brgy. Tatalon pero ginamit ng mga opisyal ng barangay ang kanilang tanggapan para lang makapag patupada.

Galing naman, biruin mo naman na nilagyan lang ng buhangin at kusot ang sementadong sahig ng basketball court para lang dito gawin ang tupadahan.

Kawawa naman ang mga kabataan  ng Manungal St. na gustong maglaro noon ng basketball dahil fiesta sa  kanilang area, ngunit hindi nila ito nagamit dahil sa tupada ng grupo ni Chairman Banega.

Ang lakas naman pala nitong si Chairman Banega kay Mayor at kay General, biruin mo binigyan siya ng pahintulot para magpalaro ng tupada sa mismong basketball court na itinayo dahil sa mga kabataan.

Wow, chairman, iba ka talaga.

I-share mo naman sa mga residente kung magkano ang in-yong kinita sa tupadahan at kung magkano ang inyong ibinigay o itinulong sa isang kapilya riyan sa lugar.

Karapatan din naman ng mga residente  na malaman kung magkano ang kinita ng tupada ninyo, ‘wag n’yo namang solohin, ‘wag naman kayong swapang.

Para sa inyong mga comment, reaction at suggestion ay maaari lang pong mag-text sa 09155683000 at 09087230036 o  kaya ay mag-email sa lily_reyes-13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply