Turista pinugutan ng ulo ng bayaw na may-sayad

PINAGTATAGA na at pinugutan pa ng ulo ng isang lalaking may sakit sa pag-iisip ang kanyang turistang bayaw sa Cebu, kaninang umaga.

Bukod sa pagpugot ng ulo, nagtamo rin ng taga sa gulugod, dibdib at tiyan ang biktima na si Dobello Soreno Calinawan, 42 residente ng Sitio Lawis, Barangay Mambaling, Cebu City.

Sumuko naman agad sa pulisya ang suspek na si Conrado Mahusay, 43-anyos at sinabing ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili dahil papatayin siya ng kanyang bayaw.

Pero dahil alam ng pulisya na may diperensya sa pag-iisip, hindi pinatulan ng pulisya ang ibinigay na dahilan ni Mahusay na planong dalhin sa isang mental institute para ipatingin.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa Sitio Can-anday sa Barangay Maravilla, Tabuelan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago ito ay niyaya ng suspek ang kanyang bayaw na  mamasyal at maligo sa dagat.

Pero pagsapit sa lugar, biglag inakyat ng suspek ang inuupahang cottage ng biktima at sa hindi malamang dahilan ay pinagtataga ito.

Hindi pa nakontento, pinugot pa ng suspek ang ulo ng biktima.

Hindi naman nalaman pa kung kailan dumating sa bansa ang biktima at kung bakit pinapayagan itong sumama sa suspek sa kabila ng may tama pala ito sa pag-iisip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply