Tuwid na daan kay Biazon

WALANG hangad si Commisioner Ruffy Biazon kung hindi patinuin ang Bureau of Customs (BoC).

Ito ang pangunahing tagubilin kay Biazon ni Pangulong Noynoy Aquino dahil alam niya ang kabulukan sa Customs kung kaya’t marami sa mga empleyado nito ang mayayaman dahil patuloy ang pakikipag-sabwatan ng mga ito sa mga smuggler na nag-ooperate sa mga pantalan sa bansa.

Maging ang kasalukuyang commissioner ay alam niyang sangkatutak na dorobo ang kanyang sasagupain kaya’t kayod kalabaw ang kanyang ginagawa sa Customs dahil alam niyang iilan na lamang ang pwedeng pagkatiwalaan dito.

Maging si dating General Danilo Lim ay ginawang kaagapay ni Biazon dahil alam ni PNoy na hindi basta giyera ang susuungin at ngayo’y sinusuong ng anak ni General Pong Biazon.

Sa kasalukuyan ay ito na nga ang nangyayaring kaganapan sa Customs dahil sa dami ng nasagasaan ni Biazon sa kanyang pinamumunuang ahensiya ay siya na ang target ng “demolition” sa publiko.

Ang masakit nito ay isang dating pinakamataas na opisyal ng BoC ang nasa likod ng pagsira kay Biazon dahil naapektuhan ng Task Force React na itinatag ni Biazon ang kanyang mga raket sa loob ng Aduana.

Hindi lang daw naapektuhan ang raket ng isang dating pinakamataas na opisyal ng Customs dahil kasama rin daw sa agenda nito na mapa-talsik si Biazon sa Customs at ito raw ang gustong pumalit.

Hindi tayo nagtataka kung bakit bulok ang Customs noong panahong siya ang pinuno rito dahil isa pala siya sa mga naging head nito na hindi lamang nakipagsabwatan sa mga smuggler kundi siya pa mismo ang utak ng kabulastugan sa naturang ahensiya.

Kaliwa’t kanan ngayon ang bira kay Biazon sa radyo, diaryo, telebisyon at sa iba pang social networking site kaya’t maging mapagsuri sana tayo dahil ito ay pakana ng mga demonyo sa mundo na gustong maghari at bumalik muli sa BoC gamit ang tiwaling gawi.

###

Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito, maari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com o mag-text sa 0922854-5644.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply