TV host may ka-holding hands na lengua sa Bangkok airport!

VERY much on pa rin sina Rayver Cruz at Cristine Reyes. Bumalik na raw ang dating matamis nilang relasyon at mas naging matatag.

Supportive rin siya sa girlfriend sa kasong hinaharap nito sa kaparid niyang si Ara Mina.

“Mabait na tao si Cristine. Basta lagi lang akong nandito para sa kanya,” deklara ni Rayver sa isang panayam.

Isa pang intriga kay Rayver ay supporting na siya nina sina Kim Chui, Xian Lim, Enchong Dee at Maja Salvador sa seryeng “Ina, Anak, Kapatid.” Walang kaso ito sa dyowa ni Cristine at natutuwa siya na mapanonood siya ulit sa primetime. Challenging naman daw ang papel na gagampanan niya. Ang importante raw ay maayos niyang nagagampanan ang kanyang role.

-0o0-

NAG-ENJOY kami sa bakasyon namin sa Bangkok, Thailand kasama ang isa sa Zirkoh owner na si Lito Alejandria at sina friendship Rommel Placente, Karen Martinez at Ina Martinez.

Tinagpo kami ng baguhang recording artist na si Dk Valdez na kumakanta sa Pattaya, Thailand sa Siam Paragon Mall na kung saan ay madalas puntahan ng mga artista sa Bangkok pati na si Mario Maurer.

Sa tsikahan namin ay pinag-uusapan namin ang pagkakalat ng isang sexy actress na tumira sa malaking bahay. Pag gumigimik raw siya sa Bangkok ay lagi siyang naghahanap ng Amerikano. Mahilig talagang makipag-one night stand ang sexy actress sa mga foreigner.

Tinanong din kami ni DK kung tomboy raw ba ang isang TV host dahil may ka-holding hands itong tomboy nu’ng makita siya sa Bangkok airport.

Ang sagot namin ay natsitsimis na dating nakipagrelasyon ito sa tibo.

Tsuk!

-0o0-

ISANG bigating pagtatapos ang handog ng Us Girls sa ikatlo at huling bahagi ng Fun Fab Finale nito tampok ang makukulay na performances ng Kapamilya stars at pagbabalik-tanaw sa nakalipas na anim na taon ng programa bukas (Mayo 26), 7:30 p.m. sa Studio 23.

Makiki-party sa hosts na sina Iya Villania, Chesca Garcia-Kramer, at Angel Aquino at co-host na si Megan Young sina Arnel Pineda, Xian Lim, Empress Schuck, Robi Domingo, Arron Villaflor, ang bandang Rocksteddy, at ang girl group na The Opera Belles.

Bukod pa sa nakaaaliw na performances ng celebrity guests, sasariwain rin ng hosts ang pinakahindi malilimutang alaala sa nangungunang lifestyle magazine show at kung paano nito nahubog ang kanilang mga karera sa isang maramdaming panayam kasama ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez.

Magbibigay naman ng mensahe para sa programa at hosts ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio, ang managing director ng Studio 23 na si March Ventosa, at ang head ng Special Projects-Office of the President na si Leo Katigbak. Samantala, ibabahagi rin ng dati at kasalukuyang staff ng Us Girls ang kanilang mga karanasan sa paghahandog sa mga Kabarkada ng latest sa larangan ng lifestyle.

Sa nakalipas na anim na taon, inihatid ng show ang pinakauso at pinakamainit na trends sa fashion, pagkain, paglalakbay, at pamimili mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa ibang mundo. Nakapaghakot din ito ng maraming parangal mula sa mga prestihiyosong kompetisyon sa bansa gaya ng PMPC Star Awards for Television, Catholic Mass Media Awards, at UP Gandingan Awards.

Huwag palampasin ang ikatlong bahagi ng Us Girls Fun Fab Finale bukas, Sabado, 7:30 ng gabi sa Studio 23 o panoorin ito anumang oras sa www.studio23.tv.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply