TV station binabaha ng talents, mga datihan nagrereklamo na

FEELING daw ng ilang talent ng TV network ay malulunod na sila dahil sa pagbaha ng maraming talento sa naturang istasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtanggap kahit nagsisiksikan na sila.

Lunod nga naman ang career ng iba kapag ganito kabait ang istasyon. Saang programa nila isisiksik ang mga ito kung parang mga kabute itong panay ang sulputan? Tanggap sila nang tanggap. Salo nang salo sa mga itinatapon ng ibang TV station. Kaya sa konting panahon pa, magkakapalitan na sila ng mga mukha. Hahaha!

Ang hirap pa nito, kung sino ang huling pumasok siya ang paborito. ‘Yung mga nagtiyaga unti-unting naiitsapuwera.

Paano kung ang lahat ng sasampa sa bakod nila ay may name na mga artista? Kawawa naman ‘yung mga homegrown talents nila nababantilawan.

Sa isang malaking event nga na ginawa nila kamakailan, ‘yung mga rati at orihinal nilang pinagmamalaking mga alaga ay naiwan sa kangkungan at ang buong ningning nilang ipinagmayabang ay yung mga bagong sulpot at ang mga ito pa ang iniharap nila sa publiko. Unfair ‘yun!

Ang nakatatawa rito, akala raw ng audience ay mga ka-family ang kaharap nila, iyon pala ay mga kadugo.
Hehehe! Salamat na lang daw at may malalaking billboard at banner. At least, nalaman ng tao na hindi na pala sila nagtatrabaho doon, sa rati nilang network.

***

Flopsina ang American Idol winner

SI PHILLIP Phillips ang winner sa American Idol pero si Jessica Sanchez ang abalang-abala sa iba’t ibang guestings. Ang huli ang isa sa napiling mag-perform sa Memorial Day Concert sa Washington D.C at kumanta pa ng national anthem ng Amerika. Imagine, ang pinakanta ng The Star-Spangled Banner ay Mexican-Pinay?

Dapat ang nanalo ang inimbitahan doon. Isa pa’y hindi naman talaga American si Jessica. Insulto yun kay Phillip at sa pamunuan ng AI. Nagpapakita lamang ito na hindi naman talaga de-kalibreng singer ang nanalo. Sabagay, mahirap nga namang isang mahinang klaseng singer lang ang kumanta ng pambansang awit nila baka mababoy lang ito-opening song pa naman sa isang napakahalagang okasyon.

***

Bukas na ang concert ni Taylor Dayne ay Edwin McCain

THE stage is ready for the much-awaited Back 2 Back Ultimate Concert of Taylor Dayne and Edwin McCain tomorrow night, May 30, at the Waterfront Hotel in Cebu and on Friday, June 1, at the SM MOA Arena in Manila.

Expect an exciting repertoire of their greatest hits including Dayne’s Tell It To My Heart, Prove Your Love, I’ll Always Love You, I’ll Be Your Shelter, With Every Beat Of My Heart, I’ll Be Your Shelter, Don’t Rush Me, Heart Of Stone, Can’t Get Enough Of Your Love, and Love Will Lead You Back; and McCain’s I’ll Be, Write Me A Song, Beautiful Life, Walk With You, and I Could Not Ask For More. These songs will surely bring back a lot of memories to the audience.

Taylor Dayne who burst into the music scene in the late ‘80s is not only an accomplished singer but also a good actress. She appeared on Broadway in Elton John’s Aida and in the films Jesus The Driver, Love Affair and Stag. Right now, she is said to be working on remastering her Greatest Hits album.

Like Dayne, Edwin McCain has released a Best-Of album, a 20-year career retrospective. And until today, his songs are still being played on the airwaves and are part of the local singers’ set list in their concerts.
R&B singer Jay-R will do the front act in the Manila concert on June 1.

The Back 2 Back Ultimate Concert of Taylor Dayne and Edwin McCain is produced by Blue Dream and supported by Astroplus, MYX, Manila Bulletin, Business World, Manila Concert Scene, Clickthecity.com and Edsa Shangri-La Hotel.

For ticket inquiries, contact Ayala (5162035 or 2315342 local 324), SM City Cebu (2310058 local 111) or Waterfront (2326888 local 8724).

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply