TV5 umalma sa pagsuspinde ng MTRCB sa show ng Tulfo brothers

INALMAHAN ng TV5 ang pagsuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa programang “T3 Kapatid Sagot Kita” ng Tulfo brothers dahil sa pagbabanta sa mag-asawang Raymart at Claudine Barreto habang nasa ere noong Mayo 7.

Ani TV5 Chief Executive Officer (CEO) and President Atty. Ray Espinosa, kukuwestyunin nila ang legalidad ng suspension order ng MTRCB na malinaw na pagsikil sa karapatan sa malayang pamamahayag.

Kanina ay ibinaba ni MTRCB Spokesman Atty. Eugenio “Toto” Villareal ang suspensyon na magtatagal ng 20 araw.

Gagawin ang susunod na pagdinig sa isyu sa Lunes, Mayo 14,  alas-10:00 ng umaga upang alamin kung ano ang partikular na paglabag ng magkakapatid na Erwin, Raffy at Ben Tulfo na lumabag sa itinatakda ng MTRCB.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply