Ulan sa Visayas magpapatuloy: Baha, pagguho ibinabala

TULOY ang mga pag-ulan sa Eastern Visayas dahil sa umiiral na low pressure area (LPA) sa rehiyon, ito ang pahayag ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa kanilang satellite and surface data, huling namataan ang LPA sa layong 520 kilometers sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Malaki rin umano ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang nasabing sama ng panahon dahil nasa karagatan pa ito.

Nagbabala na rin ang PAGASA sa mga apketadong lugar sa posibilidad ng landslides at flashfloods dulot ng matinding mga pag-ulan.

Makararanas ng maulap at panaka-nakang pag-ulan ang Visayas, Eastern Mindanao at Eastern Section ng Southern Luzon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply