Ulo ni misis basag sa palo ng bote ni mister

KULONG ang isang mister matapos paluin ng bote sa ulo ang kanyang misis nang mabuwisit sa kanilang pagtatalo nang sitahin ng huli ang palaging pakikipag-inuman ng una sa Caloocan City, Huwebes ng gabi, Mayo 24.

Kinilala ang suspek na si Rafael Sagun, 36, ng Rajah Soliman, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nang kinompronta ng biktimang si Rosemarie, 32, ang lasing na asawa sa tapat ng kanilang bahay dahil sa parating paglalasing.

Nabuwisit ang suspek kaya pinalo sa ulo ng hawak na bote ang biktima.

Nagsumbong naman sa mga barangay tanod ang biktima dahilan upang damputin ang suspek at ikulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply