UN: Mapayapang solusyon sa Scarborough issue kailangan

NANINDIGAN ang United Nations na dapat idaan sa mapayapang paraan ang pagresolba sa usapin sa pagmamay-ari ng pinag-aawayang Scarborough Shoal sa South China Sea o West Philippine Sea.

Sa ginanap na pagpupulong nina UN Secretary General Ban Ki-Moon at Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa UN General Headquarter sa New York Biyernes, nagkaisa ang dalawa sa kahalagahan ng mapayang solusyon sa hindi pagkakaunaawan ng bawat bansa.

Ayon pa kay Del Rosario, hindi kailanman papasok ang Pilipinas sa isang madugong proseso upang tapusin ang sigalot sa pinag-aawayang isla, bagkus ay mananatili itong nakasandal sa UN charter, sa United Nations Convetion on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa international law upang resolbahan ang hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng Maynila at Beijing.

Naniniwala rin ang kalihim na ang nagaganap sa islang pinangalang Panatag Shoal ng Pilipinas ay isang napakalaking interes para sa lahat ng bansa dahil nakasalalay dito ang kapayapaan at estabilidad ng bawat bansa.

“We believe that the unfolding events are of great interest to all nations, as they have a stake in the peace and stability of this economically and politically strategic area,” pahayag pa ni Del Rosario.

Pinuri naman ni Ban ang Pilipinas dahil sa aktibo nitong pakikilahok para sa isang mapayapang solusyon, alinsunnod sa pagdiriwang sa ika-30 taon ng “Manila Declaration on the Peaceful Settlement of Disputes”.

Matatandaan na pinangunahan ng Pilipinas ang isang hakbangin sa UN upang maipagdiwang ang 1982 accord sa pamamagitan ng isang resolusyon ng UN General Assembly na nananawagan sa mga bansa na isulong at isapuso ang makasaysayang deklarasyon.

Ayon pa kay Del Rosario, napagkasunduan sa ginanap na sesyon ng Special Committee on the Charter of the UN na aprubahan na ang resolusyon at hinihintay na lamang ang pagpapatibay dito ng Sixth Committee at ng General Assembly.

Sinabi naman ni Ban na isa sa limang pangunahing hakbang niya bilang UN Sec-Gen ay ang maiwasan ang anumang sigalot sa pagitan ng mga bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply