‘Unexplained wealth’ ni Corona bigay ni GMA

MALAKI ang paniniwala ni House prosecutor Rep. Neri Colmenares na galing kay dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang hindi maipaliwanag na dami ng yaman ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Maalalang si GMA ang nagluklok sa pwesto kay Corona sa Korte Suprema noong panahong patapos na ang kanyang termino bilang pangulo.

Kasunod nito, nais ni Colmenares na patuloy pang imbestigahan ng Ombudsman at i-trace ang mga perang nasa bank accounts ng chief justice.

Ito ay batay na rin sa testimonya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa impeachment court na ang ginawang basehan ay ang report galing sa Anti-Money Laundering Council na nagbulgar sa 82 bank accounts ni Corona na may laman na hindi bababa sa $677 milyon unexplained wealth.

Agad namang nagbigay ng reaksyon ang panig ng dating pangulong Arroyo na handa ang kanilang kampo  sakaling mabaling sa kanila ang imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply