UPDATE: CJ Corona hinatulang guilty

GUILTY!

Ito ang naging hatol ng Senado bilang impeachment court laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona dahil sa kabiguan umano nitong ideklara nang tama ang kanyang mga ari-arian.

Dalawampung (20) senador kabilang si Senate President Juan Ponce Enrile ang bomotong guilty si Corona habang tatlong senador naman ang not guilty.

Batay sa Rules On Impeachment, kailangan lamang ng 16 na boto mula sa 23 senator-judge para ma-convict ang respondent (Corona).

Sa hatol na guilty, mapapatalsik sa puwesto si Corona bilang punong mahistrado ng bansa.

Mga bomoto ng guilty laban sa punong mahistrado:
– Sen. Edgardo Angara
– Sen. Alan Peter Cayetano
– Sen. Pia Cayetano
– Sen. Frankiln Drilon
– Sen. Francis “Chiz” Escudero
– Sen. Jinggoy Estrada
– Sen. Teofisto Guingona
– Sen. Gringo Honasan
– Sen. Panfilo Lacson
– Sen. Lito Lapid
– Sen. Loren Legarda
– Sen. Sergio Osmeña III
– Sen. Kiko Pangilinan
– Sen. Koko Pimentel
– Sen. Ralph Recto
– Sen. Bong Revilla
– Sen. Tito Sotto
– Sen. Antonio Trillanes IV
– Sen. Manny Villar
– Senate President Juan Ponce Enrile

Mga bomoto ng not guilty:
– Sen. Joker Arroyo
– Sen. Miriam Defensor Santiago
– Sen. Bongbong Marcos

Nakasaad sa ikalawang artikulo ng articles of impeachment na inihain ng Kamara de Representantes ang alegasyon na hindi idineklara ng punong mahistrado ang ilan niyang mga ari-arian kabilang ang ilang condominium units at peso at dollar accounts.

Maituturing umano na ito ay “betrayal of public trust and/or culpable violation of the constitution,” na isa sa impeachment grounds na itinakda ng Konstitusyon.

Hindi naman na nagbaba ng hatol ang mga senator-judge para sa articles 3 at 7, dahil guilty na ang hatol sa unang alegasyon.

Magugunita na noong Disyembre 12, 2011, lumagda ang 188 na kongresista para i-impeach si Corona sa Kamara de Representantes.

Walo ang articles of impeachment na kanilang inihain ngunit nagdesisyon ang House prosecution panel na i-withdraw ang limang article (1, 4, 5, 6 at 8).

Tumagal ang impeachment trial ng mahigit apat na buwan o 44 na araw.

Noong Mayo 22, sa unang pagkakataon humarap si Corona sa paglilitis at mariing itinanggi ang mga alegasyon laban sa kanya at iginiit na siya ay inosente.

Samantala, si Corona ang ikatlong government official na nasampahan ng impeachment case, tulad nina dating Pangulong Joseph Estrada (2000) at dating Ombudsman Merceditas Gutierrez (2011). Si Corona rin ang kauna-unahang na-impeach sa proseso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply