UPDATE: 4 patay, 1 sugatan sa Makati fire

APAT katao ang namatay kabilang ang mag-asawang senior citizen habang nasugatan ang isang fire volunteer sa naganap na sunog na tumupok sa may 70 kabahayan kaninang madaling araw sa Makati City.

Halos hindi na makilala ang natustang katawan ng bangkay ng mag-asawang Jose, 77 at Dolores Padilla, 75 nang matagpuan sa ikalawang palapag ng natupok nilang tirahan sa kanto ng Kalayaan Avenue at F. Nazario St., Barangay Singkamas habang sa unang palapag naman nakita ang sunog ding bangkay ng kanilang manugang na si Miranda Veneranda Padilla, 50.

Naisugod naman sa Ospital ng Makati si Renato Gregorio, 50 nang atakehin sa puso subalit patay na nang idating sa naturang pagamutan habang sugatan makaraang tamaan ng bakal ng hose sa noo si Joselito Sebastian, isang fire volunteer.

Ayon kay Makati Fire Marshall Supt. Ricardo Perdigon, nagsimulang sumiklab ang sunog sa bahay ni Gregorio sa 4041 Kalayaan Avenue sa hindi pa malamang dahilan dakong alas-4:58 ng madaling araw at mabilis na nadamay ang bahay ng pamilya Padilla na katabi lamang ng bahay ni Gregorio.

Naapula ang sunog dakong alas-7:30 ng umaga.

Tinatayang aabot sa may 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog.

Umabot naman sa mahigit P5 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply