UPDATE: Bikini open sa Iloilo City bawal na

INIUTOS agad ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang pagbabawal sa pagkakasa ng bikini open sa mga fiesta sa mga barangay sa lungsod ng lloilo.

Ito ay kasunod ng nangyaring barilan kagabi sa Barangay Tacas, Jaro, Iloilo City sa isinagawang bikini open na ikinamatay ng pulis na si PO3 Jerome Jacolina at ang punong barangay sa lugar na si Rolando Tabuada Jr. at pinsan ni Jacolina na si Rene Jacolina at Avelino Savidalas, isang traysikel drayber.

Sa panayam pa kay Mabilog, inihayag nito na kanya ring ipinag-utos ang pagbabawal sa mga pulis na makipag-inuman sa mga aktibidad sa barangay, on-duty man o hindi.

Hirap naman ang mga pulis sa kanilang imbestigasyon lalo na sa pagtukoy kung sino ang nakabaril sa mga biktima at sinu-sino ang mga may hawak na baril.

Sa pag-usisa sa covered gymnasium ng barangay sa pinangngyarihan ng krimen, umaabot sa 153 ang mga empty shells at fired bullet na narekober sa loob at labas ng gymnasium habang tadtad naman ng tama ng bala ang bangkay ng pulis dahil mahigit 40 mga empty shells mula sa iba’t ibang kalibre ng baril ang nakita sa binagsakan nito.

Sa pagsasalarawan ng mga nakasaksi, nagliliparan lamang ang bala at kanya-kanyang tago ang lahat maliban lamang sa apat na namatay, lima sugatan at apat dito ay naka-confine pa rin sa ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply