UPDATE: CJ Corona nasa ICU ng The Medical City

NASA intensive care unit (ICU) ng The Medical City, sa Pasig City, si Chief Justice Renato Corona makaraang magkaroon ng heart attack.

Magugunitang kagabi (Mayo 22) dumiretso ang convoy ng punong mahistrado sa ospital matapos ang biglaang pag-alis nito sa Senate impeachment court.

Sinuri si Corona sa presidential suite ng nasabing ospital.

Nabatid na bumaba ang Troponin-T level ni Corona kaninang ala-1:00 ng madaling-araw dahilan kung bakit siya inilgay sa ICU.

Ikinababahala na nagkaroon ng heart attack ang punong mahistrado dahil may pagbara sa dugo malapit sa kanyang puso.

Nakatakdang maglabas ng medical bulletin ni Corona anumang oras ngayong umaga.

Dito ibabatay kung papayagan bang makadalo o hindi si Corona sa impeachment court mamaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply